It's nice just talking about life and the love that makes it wonderful.

Sunday, February 21, 2010

Ako Ay Pilipino, Sa Isip, Sa Salita at Sa Gawa

Ni: Manuel D. Cinco
Dahil ang ating paksa ay tungkol sa pagmamahal sa ating bansa, hayaan niyo na ako ay magsalita ng ating pambansang wika, ang wikang Tagalog, dahil hindi naman maganda kung ang paksa natin ngayong linggo ay tungkol nga sa pagiging makabayan ngunit ang ating gagamiting salita ay wikang banyaga.
Paano nga ba masusukat ang pagmamahal sa sariling bayan?
Para sa akin, ang mga sumusunod ay sapa na upang masabi kong ako ay makabayan, hindi lamang sa aking mga sinusuot, kung hindi na rin sa aking ginagawa, iniisip at winiwika:

Una, makabayan ako kapag kahit na mismong maliit na alituntunin ay aking nasusunod.
Pangalawa, hangga't maaari ay iniiwasan kong magsalota ng ingles, hangga't maaari ay wikang tagalog ang aking binibigkas.
Pangatlo, sa paggalang sa ating watawat at sa pagbibigay pugay sa ating pambansang awit, sa panahon ngayon, maraming kabataan na ang nakalimot ng ating pambansang awit, malamang, kapag tinanong mo sila, ang sasabihin nilang pamagat ng kanta ay Bayang Magiliw.
Pang-apat, sa pagsasabuhay ng mga kaugaliang Pilipino na nagpapakita ng pagiging masipag, masinop at kaaya-aya. Iniiwasan kong maging ningas kugon at maging utak talangka. Paano nga ka nga naman magiging mapagmahal sa iyong bansa kung mismong kababayan mong umuunlad ay pipigilan mo at hahatakin pababa.
Pang-lima, ang pagsuporta sa sariling atin. Hindi lamang sa mga produktong gawa sa Pilipinas, kung hindi na rin sa mga Pilipinong nagbibigay sa ating bansa ng karangalan sa kahit na ano pa mang larangan.
At panghuli, dapat ay ating tandaan na ang pagiging makabayan ay hindi lamang nakikita sa mga kasuotan, sa musikang pinapakinggan, ang pagiging makabayan ay nakikita sa pang-araw araw na pamumuhay, kung paano natin pahalagahan ang bawat isa at kung paano natin tulungan ang bawat isa, at ang huli ay kung paano natin isabuhay ang mga kaugaliang Pilipino na ating ipagmamalaki kahit saan mang panig ng mundo.

AKO AY PILIPINO, SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA.

No comments:

Post a Comment